Posts

Showing posts from December, 2024

Bakit Napakaraming Bakanteng Condominium Units sa Bansa?

Image
  Sobrang natuwa ang mga developers noong kasagsagsagan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), kung kailan nagdagsaan ang mga online na pasugalan at online sex rings sa bansa mula China. Nangunguna ang mga Chinese sa pagbili at pagrenta ng mga condominium units. Kabilaan ang nagsitayuang mga condominium buildings hindi lamang sa Metro Manila kundi na rin sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.   Mula sa pre-pogo period na P1.8 million ay tumaas ang mga presyo ng bawat room o unit na isang pad, isang kuwarto, o dalawang kuwarto sa average na P5 million.   Ngunit ipinatigil ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ang mga pogo operations sa bansa noong Hulio 2024, at sa pag-alis ng mga pogo operators at mga trabahador, biglang nabawasan ang mga bumibili ng condo units.   Mahigit-kumulang P300 thousand ang hinihinging down payment ng mga ahente ng real estate bukod na sa "murang" reservation fee na P25 -P50,000 at P18-P50,000 monthly rent-to-own charges bago pa m...