Para sa Pamunuan ng SSS, GSIS, BIR, Pag-ibig, at PhilHealth
Kada pagpasok ng taon, marami ang nahihirapan sa ating mga kababayan na tinatawag na M sa MSME (micro, small, medium enterprises), o mga "micro" na ayon sa DTI ay 88.77% (850,127) sa total ng MSME establishments sa buong bansa.
Mahirap intindihin itong sitwasyon ng mga micro, kahit pa sabihin na tutulungan ng gobyerno dahil out-of-touch sa reality ang mga gumawa ng policy at mga nagpapatupad nito. Halimbawa ang Republic Act No. 9178 o BMBEs Act of 2002, na ayon sa DTI, "a micro enterprise is referred to as any business entity or enterprise engaged in the production, processing or manufacturing of products or commodities, including agro-processing, trading, and services whose total assets, excluding land, shall not be more than P3 million."
Dito pa lang sa definition ng micro na kulang P3 million ang pondo nito, nakakalito na. Dahil sa totoong buhay, huwag lang hindi may maikakalakal ang Pinoy, makatulong lang sa pangkabuhayan, magne-negosyo na yan. Karamihan ng mga pinipilit ng mga ahensiya ng gobyerno mula local government unit hanggang sa Bureau of Internal Revenue, halos beinte hanggang singkwenta mil pesos lamang ang puhunan o umiikot na pondo, pero kung ipitin nila sa clearances, akala yata ng mga policy-makers at implementers, kakayanin ang mga lutang na pinapabayaran nila!
Kung kaya ilalathala namin ang sulat ng isang maliit na nagnenegosyo para maintindihan ng ating mga ahensiya na kailangan nilang itugma ang mga ILUSYON nila sa KATOTOHANAN para hindi kawawa ang ating mga micro enterprises.
I am writing as a member of the MICRO small enterprises operating irregularly due to the lockdowns, travel limitations, and other reasons.
May I request to indemnify my failure to pay membership / tax / other dues for
- SSS
- PhilHealth
- BIR
- Pag-ibig
last January 2021 to December 2021 due to
- lack of income or insufficient for day-to-day operations and costs.
- your cut-off times/ closed days which are unknown by the public causing us man-hour, labor, transportation, and others
- transport, lockdown, and many other reasons due to impositions of IATF & government.
As you fully understand, being a Crafts & Gift shop BARELY meets the 1/30th DTI definition of microenterprise as "A typical micro business is a business that employs nine people or fewer, with assets of ₱3 million and below.", we hardly have sales daily or even for days and weeks to cover for rental, electricity, communication, and operational costs.May I assume payment starting this January although I can only pay VOLUNTARILY considering the LOCKDOWN and other incidences as per IATF mandate...Your kind consideration, timely action, and response are of essence considering penalties against us always ready at your disposal.Thank you!
"AKALA nila ang yaman lahat ng mga nagnenegosyo. Kaya kami nagnenegosyo, para makaraos at mabuhay nang disente, pero hindi ibig sabihin, malaki na ang pera at kinikita namin at afford na namin ang mga ini-impose nilang yearly, monthly, at quarterly na mga bayaran!"
Dagdag pa ng mga ito, hindi naman na nila inaasahang mapakinabangan pa nila ang mga dues na binabayaran nila sa SSS, Philhealth, o Pag-ibig. Magpapasalamat na lamang sila kung meron nga, pero sa ganang realidad, ayaw lamang nila basta na lamang i-pad-lock ng BIR o ng munisipyo ang kanilang negosyo dahil lamang sa mga napakaraming clearances na hindi maibigay sa kanila dahil nga wala silang pambayad sa mga ito.
Kahit wala akong utang sa kanila, ayaw nilang magbigay ng clearance, TAMA PA BA 'YAN, e pera ko nga 'yong hawak nila???
ang tanong ng iba pang mga maliliit na negosyante. Napaka-importante kasi ng business or mayor's permit na siya lamang batayan sa patuloy na operasyon at saka pagkuha ng mga benepisyo, kung meron man, para sa ating mga maliliit na negosyante. Kaya naman, kahit hirap, ay pinipilit nilang magkaroon ng yearly mayor/business permit.
ATTN: ERIC O. MANESE (OIC), BIR Tax Exemptions, meron po ba kayong ibang contact details tulad ng email? Madalas po kasi, hanggang ring lang ang mga telepono ninyo. Salamat po!
Comments
Post a Comment